Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

Ang Bunga ng Pagsisikap

By Rina Cruz

Ang pinagsama-samang sipag, tiyaga at determinasyon ay paniguradong magreresulta sa isang napakagandang bagay. Hindi man ito agarang nagbubunga pero dumarating ito sa panahong hindi inaasahan. “It’s a surprise!,” ika nga. Gaya na lamang ng ilang C.I./Collectors o Riders ng EverFirst Loans Corporation na pinarangalan bilang Best Riders para sa taong 2021 noong ika-8 ng Hulyo 2022. Sinong mag-aakalang sa 96 Riders na mayroon ang kumpanya ay 6 ang mapipili na pinakamagagaling? 

 

Ang mga naparangalan ay sina Arrian Beni ng Meycauayan Branch (1st place), Joel Gatdula ng Sta. Maria Branch (2nd place), Joseph De Guzman ng Olongapo Branch (3rd place), Reynante Nolasco ng Pasay Branch (4th place), Rosito Guiuo Jr. ng Commonwealth Branch (5th place) at Emanuel Novo ng Tungko Branch (6th place).

 

Ang mga Riders na ito ay buong pusong binibigay ang kanilang oras upang magampanan nang maayos ang kanilang trabaho. Umulan man o umaraw, naroon pa rin ang kanilang determinasyon na mapagsilbihan ang mga kliyente ng EverFirst kung kaya’t sila ay binigyan ng kumpanya ng gantimpala. Ang gantimpalang ito ay hindi lamang sertipiko kundi mayroon ding kasamang karampatang salapi.  Ang kadalasang tanong nga ng nakararami ay, “Paano nga ba maging Best Rider ng EverFirst?” Ang unang basehan ay attendance (20%) na manggagaling sa HR Department. Ang ikalawa ay number of new clients (30%) kung saan hindi dapat bababa sa 36 katao ang makukuha ng isang Rider. Ang ikatlo ay expertise (50%) na mayroong pinagbabasehang formula na base sa mga kliyente na kanyang naipasok sa kumpanya. Higit sa lahat, dapat ay naroon ang spirit of service na itinuturo sa mga empleyado. Para sa mga Riders na ito, ang mga kliyente ay Kings at Queens na dapat alagaan at pagsilbihan.

 

Hindi biro na maging isang Rider. Ang trabaho na ito ay malapit sa disgrasya kung walang pag-iingat ang nagmamaneho ng motor. Araw-araw silang babad sa init ng araw, kung minsan naman ay basa sa ulan para lamang mapuntahan ang mga kliyente nila kahit saang sulok pa ng areas nila.   Narito ang maikling panayam mula sa nakakuha ng 1st place sa kategoriyang ito na si Arrian Beni ng Meycauayan branch:

 

Pinlano mo ba na maging Best Rider ulit gaya noon? O nagulat ka na lang na ikaw ang nakatanggap ng award na ito?

 

Hindi ko naman pinlano na makuha ulit ang pangatlong award na Best Rider. Kumbaga ang goal ko lang ay makatulong sa branch at gawin at i-enjoy lang ang trabaho ko. Nagtiwala din ako sa sarili kong kakayanan sa pagharap sa lahat ng hamon na nararanasan ko. 

 

Sa iyong palagay, anu-ano ang nagawa mong mga strategy o technique para maging Best Rider?

 

Ang strategy ko po, sa tuwing nakakabalik ako sa opisina sa hapon, tatanungin ko ang LP kung sinu-sino ang kailangang i-C.I. at i-service kinaumagahan para pagdating ko sa umaga alam ko na kung ano pagkakasunud-sunod. Habang nagsi-C.I. or nagse-service ako, nagsasaturate na din ako or nagtatanong kung sinu-sino ang pensioners sa lugar. Kahit kakukuha lang nila ng lumpsum ay iniiwanan ko na sila agad ng flyers or contact numbers. Higit sa lahat, sinasamahan ko ng tiwala, sipag, sikap, pasensiya, pang-unawa at pagiging mahinahon. At siyempre, ito ay nagagawa ko dahil mahal ko ang aking trabaho.

 

Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa mo Riders upang makakuha din sila ng ganitong award? 

 

Sa kapwa ko Riders, isapuso natin ang pagtatrabaho. Huwag natin itong haluan ng katamaran. Dapat tayo ay maging magandang ehemplo sa loob at labas ng opisina.

 

Idinagdag pa ni Beni na lubos ang kanyang pasasalamat na naging bahagi siya ng EverFirst. Siya din ay nagpapasalamat sa kaniyang BH na si Bb. Lady Rose, sa mga LP, LC, AS at DM ng Meycauyan branch sa suporta at tulong na ibibigay sa kanya.

 

Binabati namin kayong lahat! Sana ay ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan at higitan pa kung anuman ang nasa kasalukuyan. Umaasa kami na madaragdagan pa ang mga pararangalan sa susunod na awarding.

Related News