Sa loob ng dalawampu’t limang taon sa serbisyo, ang naging tanging layunin ng EverFirst ay ang magdala ng galak sa buhay ng bawat pensioner. Sa anumang pangangailangang pinansyal, kaagapay ng mga pensioner ang EverFirst upang punan ang mga ito. Mula sa pambayad ng tubig at kuryente, puhunan para sa negosyo, pagpapaaral ng mga anak at apo, pagpapatayo ng tirahan, hanggang sa pambili ng pagkain at gamot, naging bukas ang kamay ng EverFirst upang tulungan ang mga kliyente sa kanilang mga gastusin.
Kaya naman, katumbas ng tapat at kalidad na serbisyo ng EverFirst at ng sakripisyo ng mga empleyado nito ay pasasalamat mula sa puso ng mga minamahal nitong mga kliyente. Narito ang ilan sa kanilang mga testimonya kung paano sila natulungan ng EverFirst at ang kanilang mensahe para sa kumpanya:
“Nakilala ko ang EverFirst noong 2013. May lumapit sa akin na LC sa may SSS Zabarte na namimigay ng flyers. Nagpakilala po siya na Pricilla Duca ng EverFirst Lagro. Nakumbinsi nya po ako na mag-loan. Ginamit ko po ang ni-loan ko sa mga pangangailangan sa bahay tulad ng tubig, kuryente, pagpapaaral sa mga anak ko, minsan po pag may mga sakit ang mga anak ko at nako-confine, lalo na po na single mother po ako. Kaya naman, one hundred percent akong nagpapasalamat na karamay ko po ang EverFirst Lagro Branch. Maraming salamat po sa EverFirst dahil hanggang ngayon marami po silang natutulungan na client. Hindi po sila mahirap lapitan lalo na sa mga nangangailangan na client, tulad ko po na nine years nang client ng EverFirst Lagro Branch. Maraming salamat po dahil po malaking tulong po sa akin at sa mga anak ko at nakapag-papaaral po ako at sa ngayon po isa na po ako sa empleyado ng EverFirst Lagro. Maraming marami salamat po, EverFirst.” – Glenda Ganal, Kliyente at Loan Consultant ng EverFirst Lagro
“Pumasok po ako ng simbahan at nagdasal kung saan ako hahanap ng mauutangan ng pera, paglabas ko po ng simbahan ay nakita ko po ang EverFirst Rosario Pasig Branch. Pinuntahan ko at si Sir Angelo ang naabutan ko. Hindi nagdalawang-isip si EverFirst na pahiramin ako ng pera at nagtiwala sa akin. Nagamit ko ang loan ko noong namatay ang papa ko, nagamit ko ito pamasahe pang-uwi sa Davao, nung nanganak ang anak ko na CS at kailangan ng pambyad sa hospital, noong naoperahan sa liver ang kapatid ko, pangpuhunan sa tindahan, pambayad sa school, pambayad sa kuryente at tubig lalo noong pandemic na malaki ang babayarin. Ang laki ng naitulong sa akin ng EverFirst at salamat sa tiwala sa akin kaya tiwala rin ako sa EverFirst. Hanggang ngayon ay kasama ko parin ang EverFirst dahil bahagi na sya ng aking buhay. Sana ipagpatuloy pa rin ng EverFirst ang magandang naitulong nila sa amin lalo na sa katulad kong pensioner. Walang katulad ang EverFirst. Sana hindi kayo magsawa sa pagtulong sa katulad naming nangangailangan at sa EverFirst namin yun nakikita at nararamdaman. Maraming salamat po sa EverFirst!”– Marites Puerto, Kliyente ng EverFirst Rosario Pasig
Dalawa lamang sila sa higit 25,000 pensioner na natulungan ng EverFirst. Ang kanilang mensahe ay patunay ng pagtupad ng EverFirst sa layunin nito. At sa patuloy nitong paglago, mas lalawak rin ang maabot ng kanilang serbisyo at adhikain— ang magdala ng galak sa inyong buhay!