Bagama’t lahat ng musika ng mga kalahok ay maganda, isa ang umangat sa lahat at ito ay ang gawa nina Joan Paula Pogenio at Yolirene Joy Soriano mula sa Accounting Department.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng EverFirst, sila ay nakatanggap ng plake ng pagkilala at premyong salapi na nagkakahalagang limang libong piso sa araw ng selebrasyon na ginanap noong Hulyo 8, 2022.
“Nahirapan kami mamili ng panalo,” ani Gng. Reggie. “May top 3 pa kaming napili sunod kina Paula at Yoli. Ito ay sina Jaime Tugare, Khim Tianzon at Christian Jardin.” At bago matapos ang parangal ay inanunsyo ng ating butihing Presidente, si G. Rey Angeles, na lahat ng kalahok ay tatanggap ng tig-iisang libong piso sa kanilang pamamahagi ng kanilang talento.
Sa paglikha ng musika ay katulong nila ang kanilang kaibigan sa pagtugtog ng drums at keyboard. Habang nag-gigitara si Yoli ay sinasabayan nila ito ni Paula sa paghanap kung ano ang mas babagay sa lyrics.
“Pag sinabi kasing jingle ang pinaka ideya ay dapat jolly, lively, at saka engaging yung song, malaking part yung lyrics kasi mas madali siya gawan and, sa lyrics palang engaging na para sa makakarinig” pagbabahagi ni Paula. “Ang lyrics po mismo na gawa ni Ma’am Reggie yung isa sa mga inspirasyon sa paggawa ng musika. Tinugma lang namin base sa lyrics at sinigurado lamang na ito ay makakapag pasaya sa mga nakikinig, iyon bang mabilis masabayan ng mga nakikinig,” dagdag ni Yolirene.
Nang tanungin sila kung ano ang pakiramdam na sa 10 kakompetensya ay sila ang nagwagi, ang kanilang sagot ay di nagkakalayo. “Happy at proud. Kasi nakapag-submit kami ng entry kahit sobrang busy namin. Actually the night before ng pasahan lang kami nakapag record at inabot kami ng madaling araw sa pagproduce ng kanta,” natatawang pag-amin ni Paula. “Masaya po at fulfilling. Kasi po sa lahat ng effort may naka appreciate ng music na gawa namin,” dugtong ni Yolirene.
Binabati namin kayo sa inyong tagumpay!