Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

Mensahe mula kay Bb. Charito Geguiera

By Charito Geguiera

Napakabilis ng panahon. Nang magbukas ang unang branch ng EverFirst sa Novaliches noong July 8, 1997 ay mayroon itong 3 empleyado lamang. Isang supervisor, isang computer operator at isang signatory. Pero ngayon, wow! Mahigit 500 employees na at may 98 branches na. Just like a journey of a thousand miles that starts with a single step. Nagsimula sa isang branch pero ngayon almost 100 branches na.

 

Ang lahat ng ito ay ating narating dahil sa pagtutulungan nating lahat.  Bawat isa ay may partisipasyon, at may mahalagang ginampanan sa paglago nating ito.

 

Hindi lang basta nangyari. Ito ay dahil sa ating kulturang taglay at values na itinanim sa bawat empleyado na Hard Work, Commitment, Expertise at High Moral Values at hindi lang ito binibigkas ito ay ginamitan rin ng ulo, puso, at mga kamay upang maisakatuparan ang ating mga adhikain na makapagbigay ng serbisyong de kalidad sa ating mga customer.  “To serve the customer better, faster and at less cost”.

 

Ang EverFirst ay itinatag upang makapagbigay ng tulong sa mga pensioners, upang ang mga pangarap nila sa buhay ay patuloy pa rin nilang makamtan. Pero alam niyo ba na hindi lang mga pensioners ang natutulungan ng EverFirst? Ako, ikaw, kayo, tayo, mga empleyado ng EverFirst ay natutulungan din. Ang EverFirst ang source of income na ginamit natin panustos sa mga pangangailangan ng mga mahal natin sa buhay.  Salamat sa EverFirst dahil tayo ay may hanapbuhay.

 

Lahat tayo ay may mga ups and downs na nararanasan sa buhay.  Nararanasan din yan ni EverFirst. Pero anuman ang dumaang bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, pandemic, ay nadyan pa rin ang EverFirst matatag na nakatayo patuloy na nagbibigay ng suporta at galak sa kanyang mga customers.

 

Maraming salamat sa Angeles Family, sa pamumuno ni Mr. Rey Angeles at suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang butihing asawa na si Ma’am Bee Angeles sa pagkakatatag ng EverFirst. Sa hangarin na marami pang matulungan na mga pensioners kaya naman hanggang ngayon despite of the pandemic ay patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng mga bagong branches sa ibat-ibang bahagi ng Luzon upang marami pang pensioners ang mabigyan ng galak sa kanilang buhay at marami pang kagaya natin na mga empleyado na mabigyan ng kabuhayan.

 

Salamat sa pagtutulungan nating lahat, yan ang kultura ng EverFirst sama-sama, tulong-tulong nagkakaisa sa isang marangal na layunin ang makapagbigay ng sigla at galak sa bawat kustomer.

 

Happy 25th Anniversary EverFirst. Simula pa lang ito sa another milestone ng EverFirst.

 

More branches and more clients to come.

 

Happy 25th Anniversary EverFirst

Related News