Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

Pagbati Mula kay Ginoong Marco Angeles

By Marco Angeles

25 years ago, ako ay nag summer job sa pinakaunang branch ng EverFirst sa Forest Hills Novaliches.  

 

Ang office namin noon ay walang aircon, walang glass windows at walang glass door. Pero, meron naman yata kaming isang computer, isang printer, mga dalawang typewriters, 3 to 4 used tables, mga 5 to 6 chairs, water dispenser at ang pinaka important, dalawang electric fan.

 

Tatlo or apat lang kami dun sa Novaliches at ang boss ko ay si Charie. Yung boss ko, pinag loan processor ako, pinag bank runner ako (withdraw, deposit at samahan ang mga pensionado mag encash ng kanilang checks), ginawa akong collector sa post office at pinag loan consultant. 

 

Napakadami kong misadventures nung panahon na ito at ang isa dito ay nung gamit ko ang sasakyan ni MLCA na bagong-bagong white Toyota Corolla GLI. Inutusan ako ng boss ko na pumunta sa isang banko sa Jordan. Since hindi naman ako familiar sa Novaliches at wala namang Waze noon, ang diskarte ko para makapunta sa destinasyon ko ay sumunod sa jeep.  Eh di sinundan ko yung jeep, dumirecho yung jeep at kumanan sa isang kanto. Hindi ako nagpahuli at sinundan ko agad-agad.  Sakto lang sa isang sasakyan yung daan kung saan kumanan yung jeep kaya nung ito ay huminto, ako ay napahinto din. Nakalipas ang ilang minuto at hindi pa din gumagalaw yung jeep sa harap ko at meron nang jeep sa likod ko. Bumaba at nagyosi na din ang drivers sa gilid at tila nakangiti sila sa akin at pinag-uusapan ako. Dun ko na-realize na sinundan ko pala yung jeep sa kanilang terminal sa palengke. Mga isa’t kalahating oras ako naghintay dun bago makalabas. Hindi ako umabot sa banko at imagine niyo na lang ano ang reaksyon ng boss ko nung nag report ako kung bakit hindi ako umabot.

 

25 years… Marami nang nagbago sa ating pamamalakad, nawala na ang buhok si Egay, dumirecho na ang buhok ni Charie, pero dalawa pa rin ang constant, pag bago ang branch niyo wala din kayong aircon at nandito pa din ang EverFirst naglilingkod sa mga mahal nating pensionado.

 

Congratulations sa mga empleyado ng EverFirst! Maraming maraming salamat sa inyong lahat! 

Related News