Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

Pagkilala sa mga Pinakamahusay na Loan Consultants ng EverFirst

By Ralph Aldrin Dacara

Ang kilalanin bilang pinakamahusay ay isang malaking karangalan na maaaring ibigay sa isang empleyado na nagpakita ng hindi pangkaraniwang kakayanan at husay sa kanyang trabaho.

 

Kaya naman sa ika-25 na anibersaryo ng EverFirst, na ginanap noong Hulyo 8, 2022 sa SJDM Convention Center, San Jose Del Monte, Bulacan, inanunsyo ang mga pangalan ng pinakamahusay na Loan Consultant ng EverFirst. Sila ay sina Mylen Soleta ng Commonweath Branch, Genefair Damasen ng Bicutan Branch, Evangeline Sotaridona ng Concepcion Branch, Roseziel Andal ng Batangas, Annabelle Milla ng Tinajeros Branch, at Ronalyn Ballesteros ng Sangandaan Branch. Pare-pareho silang nagpakita ng kahusayan sa kanilang mga trabaho, naabot ang kanilang mga kota, at nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kliyente sa loob ng isang taon.

 

Sila ay nakatanggap ng parangal at gantimpalang salapi sa ginawa nilang kahusayan:

Kategorya

Pinakamataas na Bilang ng mga Bagong Kliyente

Pagkakaayos

Unang Parangal

Ikalawang Parangal

Ikatlong Parangal

Ika-apat na Parangal

Ikalimang Parangal

Ika-anim na Parangal

Gantimpala

P 16,000.00

P 12,000.00

P 8,000.00

P 4,000.00

P 2,000.00

P 1,000.00

Sa isang panayam, ibinahagi ni Bb. Soleta, ang nakakuha ng unang parangal, ang kanyang nararamdaman sa natamo niyang karangalan. “Una po sa lahat, nung in-announce po na ako ang Best LC, sobrang saya ko po kasi yung pagsisikap ko at paghihirap ko ay maganda ang naging bunga. Dahil ito sa aking mga mahal sa buhay. Sila ang inspirasyon ko po para makamit ko ang pagiging Best LC,” wika ni Soleta. “Next goal ko po ay maging best LC ulit. Ibibigay ko po ang best ko para sa work na ito. Malaking tulong para sa akin at sa aking pamilya ang nakuha kong awards kaya gagawin ko po ang best ko para makamit ko ulit ang tagumpay bilang Best LC ng EverFirst,” dagdag pa niya.

 

Ang pagiging pinakamahusay ay hindi nangangahulugang naabot mo na ang bantayog ng tagumpay bagkus, ito ay isang bagong simula upang patunayan na meron ka pang igagaling sa hinaharap.

 

Pagbati para sa mga kinilalang pinakamahusay na Loan Consultant!

Related News