Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

Tatlong Natatanging Loan Consultants ng EverFirst

By Francis Kenneth Billones

Sa 98 branches at 86 na mga Loan Consultant ng EverFirst, tatlong Loan Consultants na nanggaling sa tatlong magkakaibang branch ng EverFirst ang matagumpay na nakamit ang kanilang buwanang ‘Target Quota’ na hindi baba sa anim na kliyente para sa buong taon ng 2021. Sila ay sina Evangeline Sotaridona ng EverFirst Concepcion Branch, Roseziel Andal ng EverFirst Batangas Branch, at Mylen Soleta ng EverFirst Commonwealth Branch.

 

Si Evangeline Sotaridona ay nagtatrabaho bilang Loan Consultant ng EverFirst Concepcion Branch mula noong Oktubre 2015. Siya ay pinamumunuan ni Jeffrey Pizarro, Branch Head, at Ely Joy Conde, District Manager. Noong taong 2021, naabot niya ang kabuuang halaga ng prinsipal na Php 5,090,000.00 at kabuuang kita ng interes na Php 1,217,711.53. Ang kanyang kabuuang bilang ng mga kliyente para sa taong 2021 ay 120 at ang kanyang pinakamaraming bilang ng mga kliyente ay 16 para sa buwan ng Marso 2021.

 

Si Roseziel Andal ay nagtatrabaho bilang Loan Consultant ng EverFirst Batangas Branch mula noong Enero 2014. Siya ay pinamumunuan ni Geraldine Aviles, Branch Head, at Anweda Enoy, District Manager. Noong taong 2021, naabot niya ang kabuuang halaga ng prinsipal na Php 4,362,680.00 at kabuuang kita ng interes na Php 1,040,465.60. Ang kanyang kabuuang bilang ng mga kliyente para sa taong 2021 ay 119 at ang kanyang pinakamaraming bilang ng mga kliyente ay 18 para sa buwan ng Enero 2021.

 

Si Mylen Soleta ay nagtatrabaho bilang Loan Consultant ng EverFirst Commonwealth Branch mula noong Mayo 2013. Siya ay pinamumunuan ni Hobert Santiago, Branch Head, at Vannesa Belangoy, District Manager. Noong taong 2021, naabot niya ang kabuuang halaga ng prinsipal na Php 6,333,800.00 at kabuuang kita ng interes na Php 1,792,328.00. Ang kanyang kabuuang bilang ng mga kliyente para sa taong 2021 ay 148 at ang kanyang pinakamaraming bilang ng mga kliyente ay 25 para sa buwan ng Marso 2021.

 

Silang tatlo ay binigyan ng parangal para sa kanilang huwarang pagganap ng kanilang trabaho para sa taong 2021 sa katatapos lang na selebrasyon ng ika-25 taon ng EverFirst noong Hulyo 8, 2022. 

 

Sina Evangeline, Roseziel at Mylen ay malinaw na mga halimbawa na kung mayroon kang ambisyon na nais mong makamit, dapat ay may malinaw na pananaw sa iyong isipan (bisyon), at sa pag-iisip na iyon, dapat kang magsakripisyo(n) upang matanggap ang mga bunga ng iyong paggawa (komisyon). Ang paggunita sa ika-25 taong anibersaryo ng EverFirst ay isang patunay ng ating matagumpay na pamumuno sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga minamahal na pensyonado.

Related News