Tayo ay umabot na sa dalawangpu’t limang taon sa EverFirst. Kalahati ng Golden Anniversary namin ni Maam Bee! Sana nandito pa kami at kayo sa pagdating ng golden anniversary ng EverFirst.
Gusto ba ninyo iyon?
Maraming kumpanya na tinatatag ay naghahangad na sumibol at lumaki. Hindi lang iyun; pinagdarasal ng mga may-ari at ng mga tauhan nila na sila ay lumago.
Ngunit hindi lahat ay nagtatagumpay.
Sa pagtatatag na kumpanya ay laging may mga birth pains. Kulang sa kapital, kulang sa customer, kulang sa teknolohiya, kulang sa taong magagaling. At dahil dito, marami ang nagsasara ng pintuan nila. Lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ngunit sa EverFirst, tayo ay lumago at hanggang ngayon patuloy pa rin ang pag-unlad.
Paano natin narating ang katayuang ito?
Una, tayo ay may kultura na nagpapalaganap ng Hard Work, Commitment, Expertise at High Moral Values.
Mayroon din tayong paradigm shifting at marble story. Bukod pa roon, mayroon din tayong 5Cs Plus 1 Equals One Big C, 5Ms, 5 Marks of Leadership, at Problem Solving Process.
Ilang kumpanya ang nalalaman natin na may panuntunan na ganyan?
Pangalawa, tayo ay hindi lang nangangarap. Tayo ay may AMBISYON, BISYON, SAKRIPISYON AT KOMISYON.
At ito ay di lang natin naiintindihan. Ito ay ating pinapaniwalaan at sinasabuhay.
Di lang isinasaisip. Di lang isinasapuso. Ang mga ito ay ating isinasagawa.
Pangatlo, nandito kayo. Ikaw, ako, tayo. Tayo ang dahilan bakit may success sa EverFirst! Tayo ay modelo ng Hard Work, Commitment, Expertise at High Moral Values! At nagtaguyod ng 9 Fruits of the Holy Spirit!
Tayo, ako, ikaw ang dahilan ng ating pagtatagumpay!
Nag-umpisa sa mga staff sa Maginhawa at Mayaman at patungo sa 98 branches from Dau, Angeles City, Olongapo, Batangas City, Candelaria at San Pablo. At maaring bago matapos ang taon, sa 100 branches sa Luzon.
We may be ordinary people but we are ordinary people who perform extraordinary things!
Maaring tayo nga ay mga ordinaryong tao, ngunit ang ating gawa naman ay pambihira at hindi pangkaraniwan.
Maraming salamat sa inyong lahat!
Pang-apat at panghuli, tayo ay may layunin para sa ating pagsasama-sama at samahan.
Tayo ay nagbibigay ng halaga at tulong sa ating mga pensyonado. Tayo ay kaagapay nila sa buhay! Tayo ay lending na may puso. At higit sa lahat, tayo ay nagdadala ng galak sa kanilang buhay!
At sa layuning ito tayo ay nagkakaisa, nagtutulungan at laging gumagawa ng paraan.
Iyan ang dahilan bakit may EverFirst at nandito tayo ngayon sa 25th anniversary ng EverFirst.
Ngayong araw na ito, tayo ay nag-celebrate, nagsama-sama, nagdarasal at nagpapasalamat.
At ano pa nga ba ang ginagawa ng mga nagse-celebrate? Tayo ay magdiwang, magsaya at magsayawan pa!