Hindi Ka Tamad—Kulang Ka Lang sa Aksiyon

Aurelio O. Angeles

28 Sep 2026

Maraming tao ang iniisip na hindi sila umaangat dahil kulang sila sa talino.

“Oo nga, hindi ako ganun katalino…”
“Hindi ako kagaya ng iba…”

Pero sa totoo lang, sa maraming taon ko sa negosyo, ito ang nakita ko:

Hindi talino ang kulang.

Aksiyon ang kulang.

Hindi ka tamad.
Kulang ka lang sa energy, curiosity, at aksiyon.

Tandaan: energy, curiosity, at action.

Tatlong bagay na kapag pinagsama mo—
kaya mong baguhin ang takbo ng buhay mo.

ENERGY

Ito ang puwersa mo.

Ito ang dahilan kung bakit may mga taong kahit nahihirapan…
tuloy pa rin.

At may mga taong kahit kaya naman…
hindi gumagalaw.

Ang tanong:
“Saan mo ginagamit ang energy mo?”

Sa reklamo?
Sa social media?

Sa kwento-kwentohan?
Sa pag-iwas sa trabaho?

O sa pag-aaral, pag-improve, at paghanap ng paraan?

Dahil ang energy na hindi ginagamit sa tama,
nasasayang lamang.

CURIOSITY

Ito ang dahilan kung bakit ka natututo.

Kapag wala kang curiosity:
“Okay na ‘to.”
“Alam ko na ‘yan.”

“Bakit maghahanap pa ng iba?

At doon ka humihinto.

Pero kapag curious ka:
“Paano ito gumagana?”
“May mas mabuti pa ba?”
“Anong pwede kong matutunan dito?”

“Ano kaya kung subukan ko?”

Unti-unti kang gumagaling.

Ang taong curious,
laging may tanong.

Laging may growth.

ACTION

Ito ang pinaka-importante.

Kahit gaano ka katalino,
kahit gaano ka ka-curious—
kung wala kang aksiyon,
walang mangyayari.

Maraming may plano.
Maraming may idea.

Maraming may magagandang salita.
Maraming may pangarap.

Pero kakaunti ang gumagalaw.

At ang gumagalaw—
sila ang umaangat.

Ngayon, pagsamahin natin:

Energy + Curiosity + Action

Kapag may problema:
👉 May energy ka para harapin.
👉 May curiosity ka para intindihin.
👉 May action ka para ayusin.

Kapag may opportunity:
👉 May energy ka para i-pursue.
👉 May curiosity ka para matuto.
👉 May action ka para kunin.

Kapag gusto mong umangat:
👉 Hindi ka naghihintay.
👉 Hindi ka nagrereklamo.
👉 Gumagalaw ka.

Sa career, ganito ang itsura nito:

Ang ordinary employee—
naghihintay ng utos.

Ang improving employee—
nagtatanong.

Pero ang umaangat—
kumikilos.

May sariling kusa.

Hindi perfect. Maaring may mali.
Hindi sigurado.

Pero kumikilos.

At habang kumikilos,
natututo.
Gumagaling.
Umuunlad.

Ito ang katotohanan:

Hindi ka uusad kung puro ka isip.

Hindi ka uusad kung puro ka salita.
Hindi ka uusad kung puro ka plano.
Hindi ka uusad kung puro ka dahilan.

Uusad ka—
kung kumikilos ka.

Action. Aksiyon!

Kaya simula ngayon, tanungin mo ang sarili mo:

👉 “Saan ko ginagamit ang energy ko?”
👉 “Ano ang gusto kong matutunan ngayon?”
👉 “Ano ang isang bagay na gagawin ko ngayon—hindi bukas?”

Huwag mong hintayin na maging handa ka.

Kumilos ka…
para maging handa ka.

Dahil ang taong naghihintay,
naiiwan.

Pero ang taong may energy, may curiosity, at may aksiyon—
unti-unting nauuna.

At balang araw,
mapapansin mo na lang—

Hindi ka na naghahabol.

Ikaw na ang hinahabol.

At iyan ang simula ng tunay na pag-angat.