Mahirap ka ngayon — hindi iyan ang wakas
By Rey Angeles
May mga kabataan na tahimik na nagsasabi:
“Mahihirap kami.”
“Wala kaming koneksiyon.”
“Hindi ko kaya yan.”
At ang iniisip nila — pang mayaman lang ang great success.
Hindi totoo.
Sa totoong buhay, hindi kahirapan ang pumipigil sa tao umangat.
Ang pumipigil ay kapag tumigil kang mag-isip, matuto, at kumilos.
Sa Enculturation natin may isang malinaw na katotohanan:
PROBLEMA ang simula ng tagumpay. At lahat ng tao, mayaman man o mahirap, ay may PROBLEMA.
Kung mahirap ka ngayon — hindi iyan sumpa.
Maaaring iyan ang training ground mo.
Isipin mo ang buhay mo parang Marble Story.
Baka kakaunti ang marbles of opportunity mo ngayon.
Pero hindi dami ng marbles ang nagpapayaman — kundi kung paano mo ginagamit ang marbles mo.
Ang umaangat sa buhay hindi laging pinakamatalino, pinaka-maPR o pinakamayaman.
Sila ang mga taong araw-araw nagtatanong:
- Ano ang pwede kong matutunan?
- Ano ang pwede kong gawin?
- Is there anything better?
- Paano ako uunlad kahit kaunti ngayon?
Ang tunay na kahirapan hindi kakulangan ng pera.
Ang tunay na kahirapan ay saradong isip.
Kapag lagi mong sinasabi:
“Di ko kaya.”
“Wala na.”
“Di pwede.”
unti-unting lumiliit ang mundo mo.
Kapag sarado ang isip, sarado ang kinabukasan.
Pero kapag bukas ang isip —
kahit sarado ang pinto, may bintanang bubukas.
Great success hindi biglaan.
Nagsisimula ito sa maliliit na galaw:
mag-aral
magtanong
magsikap
bumangon muli
Simulan mo sa simpleng pagbabago:
Huwag mong sabihin:
“Di ko kaya.”
Sabihin mo:
“Matututunan ko yan.”
Huwag mong sabihin:
“Wala na tayong magagawa.”
Sabihin mo:
“May magagawa ako kahit maliit.”
Maaaring kakaunti ang marbles mo ngayon —
pero kung marunong kang mag-isip, matuto, at kumilos,
unti-unti kang aangat.
Ang kahirapan ay hindi katapusan ng kuwento mo.
Baka ito pa ang simula ng tagumpay mo.

