Bago ka magturo, tumingin ka muna sa sarili
By Rey Angeles
Alam n’yo ba kung ano ang isang ugali na tahimik na sumisira sa career… at sa samahan ng mga tao?
Hindi ito kakulangan sa talino. Hindi ito kakulangan sa sipag.
Ito ay ang maling paggamit ng… daliri.
Finger pointing.
Kapag may problema:
“Sino ang may kasalanan?”
“Sino ang nagkamali?”
“Sino ang dapat sisihin?”
At napansin n’yo ba?
Mabilis tayong magturo.
Mabilis tayong maghanap ng mali sa iba.
Pero mabagal tayong tumingin sa sarili natin.
Sa kumpanya, ganito ang itsura nito:
Delay ang project — sisi sa supplier.
May mali sa report — sisi sa staff.
May reklamo ang customer — sisi sa operations.
At habang nagtuturuan ang lahat, ang problema… nananatili.
Sa loob ng maraming taon, ito ang natutunan ko:
Ang finger pointing na walang disiplina,
nagdadala ng takot, galit, at pagkawatak-watak.
Pero ang tamang finger pointing—ito ang bumubuo ng leaders.
Paano?
Tingnan mo ang kamay mo.
Kapag nagturo ka sa iba,
may tatlong daliri na nakaturo sa’yo.
At may isang hinlalaki na nakataas.
Ito ang ibig sabihin:
Una — Sarili muna.
“Anong naging pagkukulang ko?”
“May nagawa ba ako para maiwasan ito?”
“Ano ang pwede kong i-improve?”
Ito ang simula ng maturity. Ito ang simula ng leadership.
Ikalawa — Tumulong sa solusyon.
Hindi sapat na alam mo kung sino ang mali.
Ang tanong:
“Ano ang pwede kong gawin para maayos ito?”
Dito ka nagiging valuable. Hindi ka na problema—ikaw ay bahagi ng solusyon.
Ikatlo — Itaas ang iba.
Hindi para ipahiya. Hindi para manisi.
Kundi para tulungan silang gumaling.
“Paano kita matutulungan na hindi na ito maulit?”
“Anong support ang kailangan mo?”
Dito nabubuo ang tiwala. Dito lumalakas ang team.
Ngayon, dalhin natin ito sa personal na buhay.
Kapag hindi ka umaangat sa career:
“Swerte kasi nila…”
“Wala akong opportunity…”
O itanong mo:
“Ano ang kulang sa ginagawa ko?”
“Ano ang pwede kong pagbutihin?”
Kapag may problema sa pamilya:
“Sila ang may kasalanan…”
O itanong mo:
“Ano ang pwede kong baguhin sa sarili ko para gumaan ang sitwasyon?”
Kapag may pagkakamali ka:
“Hindi ko naman kasalanan ‘yan…”
O tanggapin mo:
“May parte ako dito. Aayusin ko.”
Ito ang kaibahan ng taong hindi umaangat…
at ng taong nagiging leader.
Ang una, laging may dahilan.
Ang pangalawa, laging may aksyon.
At ito ang koneksyon sa ating Enculturation:
PROBLEMA – Ano ang tunay na problema?
AMBISYON – Ano ang gusto nating mangyari?
BISYON – Paano natin ito aayusin?
SAKRIPISYON – Ano ang kailangan nating baguhin sa sarili natin?
KOMISYON – Ano ang bunga ng tamang pagharap sa problema?
Hindi madali ang disiplina ng tamang finger pointing.
Dahil mas madaling manisi kaysa umako.
Mas madaling magturo kaysa magbago.
Pero tandaan mo ito:
Ang taong marunong umako ng pagkukulang,
siya ang unang natututo.
At ang taong unang natututo,
siya ang unang umaangat.
Simula ngayon, kapag may problema—
Huwag kang magmadaling magturo.
Tumingin ka muna sa sarili mo.
Tumulong ka sa solusyon.
At itaas mo ang iba.
Dahil ang tunay na leader,
hindi naghahanap ng masisisi.
Naghahanap siya ng paraan
para ang lahat… sabay-sabay na umangat.

