Phone Icon

Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines

MENSAHE PARA SA BAGONG TAON

By  Rey Angeles

Bagong taon na naman!

 

May tanong ako sa inyo: Ano nga ba ang inyong hangarin para sa 2024?

 

May pangarap ba kayo?

 

Lahat tayo ay may pangarap. Sa umpisa ng taon ng 2024, isipin natin kung saan tayo patungo.

 

Hindi tayo nagiisa sa patutunguhan natin.  Lagi tayong may mga kasama, di ba?

 

Sa pamilya, sa trabaho, sa negosyo, sa personal na pangangailangan. At lahat sila ay may sari-sariling pangarap.

 

May mungkahi ako para mapatupad natin ang ating pangarap.

 

FINGER-POINTING!

 

Ang tradisyonal na ibig sabihin ng finger pointing ay ang paghahanap ng masisi sa mga nangyayaring hindi kanais-nais.  Ang finger pointing ay maari ring gawin ng isang tao nag bibintang o kaya ay naghahanap ng puna sa kanyang mga kasama.

 

Yan ang tradisyonal na ibig sabihin ng finger pointing at yan ay ating nasaksihan sa araw araw.

 

Saan patungo iyan? Away, alitan, sama ng luob at di pagkakaunawaan ng mga makakasama.

 

Gusto ba natin iyun?

 

Matutupad ba natin ang ating mga pangarap kung tayo ay may samaan ng luob? Sila rin, mapapalapit ba sila sa kanilang pangarap kung hindi tayo nagkakaisa?

 

Hindi!

 

May alternatibo ba sa tradisyunal ng ibig sabihin ng finger pointing. Mayruon!

 

Isang finger ang nakaturo sa ating mga kasama at tatlong finger ang katuro sa ating sarili at ating tinanatunong ay ito:

 

“Ano ang magagawa ko para sa inyo upang kayo ay magtagumpay!”

 

Gusto ba nating lumago sa bagong taon – tayo at ang ating mga kasama?

 

Gusto ba nating umasenso, magbigay ng galak at magkaruon ng pagasa sa ating pangarap sa 2024?

 

Finger pointing!

 

Ano ang magagawa ko para sa aking mga kasama sa trabaho, sa negosyo at sa aking pamilya para sila ay magtagumpay.

 

Ano ang magagawa ko upang ang aking kustomer ay mag-tagumpay sa kanyang trabaho, project o negosyo?

 

Kung magagawa natin ito, magugulat at matutuwa sila sa paradigm shift na nangyari sa atin at makukuha natin ang kanilang kooperasyon at magandang luob.

 

Sa bagong ibig sabihin ng finger-pointing na ito, tandaan natin: hindi lang ito isinasa-isip, hindi lang ito pinapaniwalaan at isinasa-puso.

 

Itong finger pointing ay SINASA-GAWA. SINASA-BUHAY!

 

At ang pasasagawa nito ay puspos sa 9 fruit of the Holy Spirit: love, peace, joy, patient endurance, generosity, kindness, humility, faithfulness at self control.

 

Isipin natin lagi na how we can do things better para sa ating mga kasama.

 

And let us give it our extra effort at extra mile.

 

Para sa 2024, subukan natin ang formula na ito: ang isang finger ay nakaturo sa ating mga kasama at ang 3 fingers ay nakaturo sa atin.

 

At ang ating tanong: ano ang magagawa ko para sa inyo upang kayo ay magtagumpay!

 

Finger pointing!

 

Magtagumpay sana tayong lahat sa 2024 at makamit natin ang ating mga pangarap!

 

Maligaya sana ang inyong bagong taon!


Related News

Two MBI Operations Managers successfully passed as Professional Electronics Engineers
From passion to leadership: The inspiring journeys of two EverFirst BH – OIC
Cultivating lasting partnerships: The 10 Commandments of Sales for Architects and Specifiers