Calderon Bldg., 827 EDSA, South Triangle, Quezon City, Philippines
Ang Maligayang Pagdiriwang ng Ika-25 na Anibersaryo ng EverFirst
By Krizia Mae Oliva
Previous
Next
Isang espesyal na araw ang Hulyo 8, 2022 para sa EverFirst Loans Corporation dahil sa araw na ito ang pagdiriwang ng ika-25 na anibersaryo nito. Ito ay isang pagdiriwang na puno ng pasasalamat sa mabungang mga taon ng pagsisilbi sa customer at puno ng pag-asa sa mga taon na darating pa.
Ang pagdiriwang ng ika-25 na anibersaryo ng EverFirst ay ginanap sa Convention Center ng San Jose Del Monte, Bulacan na may temang kulay pilak para sa okasyon.
Sinimulan ng mga emcee na sina Ronnie Arcilla at Rodel Casareno ang programa sa pag-anyaya sa lahat na kumanta ng pambansang awit. Sinundan ito ng taimtim na mga kanta ng panalangin ng EverFirst Worship Team. Napakagandang panimula ng programa na pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng biyaya at katapatan Niya sa EverFirst at sa mga empleyado nito.
Para sumigla at magbigay ng enerhiya sa mga panauhin, isang nakakamanghang sayaw ang hinandog ng EverFirst Dancers. Napaindak din ang mga nanunuod sa masaya at masigla nilang sayaw. Pagkatapos, ang mga empleyado ng EverFirst ay binati ng Operations Manager na si Charito Geguiera at sinundan ng mga handog na video para sa mga pensionado at mga kliyente ng EverFirst.
Dumako na ang mga emcee sa isa sa mga importanteng parte ng araw na ito – ang pagbibigay puri sa mga nanalo ng may pinakamataas na revenue growth rate para sa medium, big and extra big branch levels. Taas noo ang mga nanalo habang sila ay nakikilala at pinagdiriwang ng buong kumpanya sa kanilang mga nagawa.
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, isang buffet ng masasarap na mga pagkain ang pinagsaluhan ng mga panauhin. Habang kumakain ang mga panauhin, naghandog ng isang nakakakilig na awitin sina Jaime Tugare at Yollirene Soriano na tinugtugan ni Joseph Valmores upang magbigay-pugay at batiin sina Ginoo at Ginang Angeles sa kanilang ika-50 na anibersaryo ng kasal.
Pagkatapos nito, isang surpresang audio visual presentation ang pinalabas kung saan ang mga empleyado ng bawat department at branch ay kinilala habang sila ay sumasayaw sa video. Napakasaya ng mga tao habang sila ay nagtatawanan sa mga pakulo na hinandog ng bawat mananayaw sa video.
Siyempre, hindi mawawala sa okasyong ito ang Best Dress Competition kung saan nagpatalbugan ng magagandang kasuotan ang mga kalahok para mapanalunan ang P1,500 na premyo.
Pinagpatuloy ng mga emcee ang pagbigay parangal sa mga nanalo sa contest ng may pinaka-mataas na 13th month loan, may pinakamataas na collection efficiency, pinakamagaling na loan consultant at pinakamagaling na rider. At muli, para bigyang aliw ang mga panauhin, isang napakagaling na performance ang binigay ni Christian Jardin at EverFirst Backup Dancers.
Isang surpresang parangal din ang ibinigay sa mga empleyadong tinuturing na frontliners noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown. Pagkatapos nito ay pinarangalan din ang nanalo sa kauna-unahang EverFirst Jingle Contest.
Bago matapos ang programa, nagbigay ng napaka makabuluhang mensahe para sa EverFirst ang Bise Presidente na si Ginang Maria Lourdes Angeles at ang Presidente na si Ginoong Aurelio Angeles upang batiin at wakasan ang napakagandang pagdiriwang na ito.
Tinapos ang programa sa napakasayang sayawan ng mga empleydo na umiindak sa tunog ng EverFirst Jingle na sinundan ng picture-taking.
Sa loob ng 25 na taon, napatunayan ng EverFirst ang pagmamahal at tapat na serbisyo nito sa mga customers pati narin ang pagbibigay nito ng mapagmahal na serbisyo sa kanila. Talaga namang karapat-dapat na ipagbunyi at ipagdiriwang ang EverFirst at ang mga empleyado nito.
Binabati namin ang lahat ng tao sa likod ng matagumpay na pagdiriwang na ito.
Maligayang Anibersaryo, EverFirst! Ang buong Multi-Line ay ipinagdiriwang kayo!